Wednesday, October 15, 2008

Oct 20 is Isabel's B-day & Gagambino Day


from journal.
Ayon kay Dennis Trillo, ang kuwento ng telefantasya niyang Gagambino ay malayo sa Spider-Man at Gagamboy.“Original ito ni Carlo J. Caparas. Tungkol ito sa friendship na nabuo sa hindi inaasahang pagkakataon,” sabi ni Dennis sa presscon kamakalawa.“Si Bino, nagkaroon siya ng kaibigang gagamba, kaya tinawag siyang Gagambino.“Hindi siya stereotypical superhero.”***Iyong mga characters sa Gagambino ay mutants na nagkaroon ng superpowers dahil sa mga insekto.Parang local version ng X-Men?Si Bino (Dennis Trillo), nagkaroon ng powers ng gagamba.Si Lucy (Katrina Halili), powers ng praying mantis.Si Harold (Polo Ra*vales), powers ng uwang.Si Bernadette (Isabel Oli), powers ng alakdan.Si Leah (Glaiza de Castro), powers ng bubuyog.At ang kontrabidang si Abresia (Jean Garcia), powers ng balang.Bakit kaya hindi isali si Snooky Serna… na may powers ng pagong?Hindi siguro swak. Hindi naman insekto ang pagong, eh.
***Mapapanood ang pri*mer ng Gagambino na Gagambino’s Web sa Linggo nang hapon, pagkatapos ng SOP sa GMA 7.Pito sa mga artista ng Gagambino ang magkakalaban sa All Star ‘K’ The P1,000,000 Videoke Challenge sa Linggo nang gabi.Ang mga ito ay sina Isabel Oli, Glaiza Castro, Polo Ravales, Nadine Samonte, Jennica Garcia, Mart Escudero at Krissa Mae.Ang hired K!Llers ay sina Dennis Trillo at Katrina Halili.Sa Lunes ang pagsisi*mula ng Gagambino.
*************************
watch out for the gagambino promo dis weekendEat BulagaStarTalkMall Show at SM SucatSOPThe Making of Gagambino after SOPShowbiz CentralAll STar K