Tuesday, July 18, 2006

Paolo, Isabel umamin din sa wakas


Source: journal.com.ph 7/15/2006

Paolo, Isabel umamin din sa wakas
FREE to move na ngayon sina Paolo Contis and Isabel Oli mula nang inamin nila ang kanilang MU relationship.
Napakatagal naitago ng dalawang bida sa kapa-pilot pa lang last Sunday na 12th season ng Love To Love, ang Fat is Fabulous episode ang kanilang mutual understanding. Although most people thought rightly way back there was such an MU affair between Paolo and Isabel, walang confirmation na binibigay ang dalawa so the people can just surmise. Last Sunday sa eighth anniversary ng S Files na ginawa sa World Trade Center as part of GMA’s Fantastic 56 celebration, can’t help ang dalawa na aminin nang diretsa na silang natanong ng mga hosts in front of the multitude of audience.

Sabagay, wala namang masama kung aamin na sila at this point. Pareho namang single sina Paolo and Isabel before they entered in this relationship. Ang maganda pa, now that it’s out, free na sila na lumabas together without explaining or hiding the fact dahil umamin na nga sila.

Natawa nga kami na ngayon lang din lumabas na humabol si Paolo kay Isabel sa Singapore last Holy Week dahil that time pa lang, we know that na at nagti-text-an kami ni Paolo ng kanyang whereabouts kaya lang ayaw niyang ipasabi.
Isabel’s parents are based in Singapore kasi at either na ang parents niya ang bumibisita rito or siya doon.

(D.Erece)
People's Taliba
7/15/2006 16:13 PM

Comment: Hayy sa wakas, umamin na talaga ang mag -mu (mag-un). Masyadong impatient talaga ang press. Okey na sa akin that their relationship remains low profile, just like Angel & Oyo Boy , Richard & Georgina. Tutal private life na nila 'yon.

No comments: