Tuesday, January 23, 2007

Isabel, parang gusto nang i-give up si Paolo!

SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio
Ang Pilipino STAR Ngayon 01/19/2007

Sa Pebrero, isang taon na rin ang relasyon nina Paolo Contis at Isabel Oli na nagsimula lamang nang magkasama sila sa seryeng Sugo at nagtuluy-tuloy na sa Love To Love. At swerte naman na sa loob ng isang taon ay wala silang naging grabeng away.

"Minsan lang sa sobrang pagbiro niya ay gusto ko na siyang i-give up," sabi ni Isabel sabay bawi at sinabing nagbibiro lang siya.

"Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil sobrang sweet niya. At honest siya, lahat ng nangyari sa buhay niya nung hindi pa kami ay ikinuwento niyang lahat sa akin," pagmamalaki ni Isabel na ang buong pamilya ay umuwi galing abroad at dito nag-celebrate ng Christmas.

"Sa bahay lang kami, hindi kami lumabas. Paolo proved to be a very good host. Love nila siya," dagdag pa ng magandang aktres na umaming nahirapan siya nung una sa mga underwater scenes niya sa Atlantika.

"Umiyak ako sa takot nang pumunta kami ng mga 20 feet underwater and I saw a baby octopus.

"Akala nila kasi okay na ako dahil nasanay ako sa pool. Iba pala kapag nasa dagat na, madilim. Naintindihan naman ako ng production, hindi na nila itinuloy ang eksena ko, dinaya na lamang," kwento pa ni Isabel na nakakaramdam na ng lungkot dahil malapit nang magtapos ang Atlantika. Nasa huling yugto na sila ng kanilang taping pero hanggang ngayon, di pa nila alam na lahat kung paano magwawakas ang serye.
-------------------------
Freehand 1/23/2007
Isabel on Paolo: Minsan, nakakainis ang sense of humor niya
By: Mario E. Bautista
Isabel Oli
FREEHAND

PAOLO Contis and Isabel Oli will celebrate their first anniversary in February.

They met on the set of “Sugo” and before the series ended, they were also paired in “Love to Love” and love bloomed. Last Christmas, Isabel’s entire family came to Manila from Singapore and Cebu and Paolo was with them most of the time. “They left exactly noong New Year, January 1,” says Isabel. “By that time, close na si Paolo to them. They all like him dahil masaya raw kasama, laging nagpapatawa. He was a very good host to them.”

They haven’t had any big conflict so far. “Minsan lang, sobra siyang magbiro and if you’re not used to his sense of humor, maiinis ka. But he’s really sweet. Lahat ng nangyari sa buhay niya before we became on, ikinuwento niya lahat sa ‘kin.”

It’s while they’re doing “Atlantika” that they became even closer. “He’s very caring. Tinuruan niya ko ng diving for the underwater scenes. At first, umiiyak ako sa takot when we went 20 feet underwater at nakakita ako ng octopus. Pero hindi niya ko talaga pinabayaan. Now that ‘Atlantika’ is ending, somehow, nakakalungkot kasi na-ging maganda rin ang bonding ko with Iza Calzado and Katrina Halili.”

No comments: