Isabel Oli keeps mum about reason of breakup with Paolo Contis
source: pep.ph
Rey Pumaloy
Thursday, April 12, 2007
Hindi dumating si Paolo Contis sa station ID shoot ng GMA-7 kahapon, April 11, sa GMA Network complex, pero ang kanyang ex-girlfriend na si Isabel Oli ay nandun.
<> Compulsory sa lahat ng mga talents ng GMA-7 na mag-participate sa shoot na ito. Katunayan, itinigil ang lahat ng mga tapings kahapon para lang makadalo ang lahat ng mga artista ng Kapuso Network. > <>Ang dahilan daw ng hindi pagsipot ni Paolo sa station ID shoot ay na-delay ang flight ni Paolo pabalik ng Pilipinas galing Middle East, kung saan siya naglaro ng basketball kasama ang iba pang Pinoy celebrities. Pero may kumalat na tsismis na iniiwasan daw talaga ng young actor na makita ang dating kasintahan. >Mas lalong tumindi ang speculations na matindi ang naging rason ng breakup ng dalawa nang tumanggi si Isabel na magpa-interview sa TV. Itinuturo ni Isabel ang GMA Artist Center na siya umanong nag-advice sa kanya na huwag magpa-interview tungkol sa breakup nila ni Paolo.
Nakapagtataka lang na kumukontra ito sa mga pahayag ni Isabel na hindi sila nagkaroon ng problema ni Paolo kaya sila nag-break. Kung walang naging problema sa breakup nila ni Paolo, bakit namamagitan ang Artist Center at pinipigilan si Isabel na magsalita?
Kung positibo naman ang mga sasabihin ni Isabel, walang dapat ikatakot ang Artist Center sa magiging feedback ng mga sasabihin ng young actress tungkol sa kanilang breakup.
Nangako naman si Isabel na kapag binigyan na siya ng go signal ng Artist Center ay magpapa-interview na siya sa entertainment press.
This is not an official site of Filipina model/actress Isabel Oli. This site is created by a fan and is not affiliated with either Isabel Oli nor with GMA network.


Get in touch with ISABEL.
Text ISABEL [Your Message]
Send to 4627 for Globe, TM, Sun,
Smart and Talk & N Text.
For MMS -register thru text: type GOMMS ISABEL send to 4627
No comments:
Post a Comment