Tuesday, September 25, 2007

Mga Mata ni Anghelita ends this Oct. 5, 2007


some articles on Isabel from the Anghelita ender press con

LOVE IS LOVELIER FOR ISABEL, PAOLO

ISABEL Oli looked stunning in her green evening dress at the 17th floor of GMA Skyline Resto where the presscon for “Mga Mata ni Anghelita’s” season ender was held Monday night.

Isabel, who plays a good part in the adventure-drama, feels sad that the show is ending soon. Title roler Krystal Reyes admits she is the saddened by the show’s end , even if it was hard for her to put on the contact lens as a blind girl.

Meanwhile, Isabel admits that she and Paolo Contis are having a second wind of their love affair. They became an item for one year and broke up. But it seems they’re really meant for each other so they talked things over and now they’re back in each other’s arms. Love is lovelier the second time around, she says. The Cebuana- Spanish-Chinese beauty is happy with her career now and she plans to stay long in the business. An option is to join her parents in Singapore to work there, but she truly loves showbusiness, and Paolo

---------
Isabel, type sulutin ni Marvin kay Paolo!

(Rey Pumaloy)

KUNG hindi pa nagbiro si Marvin Agustin, hindi pa lalabas ang totoo na nagkaroon sila noon ng unawaan ni Angel Locsin.

Sa pakikipagtsikahan namin kay Marvin, sinabi niya na masaya siya sa kanyang career, pero malungkot ang puso niya, dahil iniwan siya ng isang taong mahal niya.

Sinundan pa niya na hindi na raw ito babalik sa kanya, dahil pumirma ng kontrata sa ibang istasyon.

Siyempre, obyus na si Angel ang tinutukoy ni Marvin sa pahayag niyang `yon. At bagamat binawi niya ang mga sinabi niya, huli na dahil nasukol na siya ng mga kausap na manunulat.

"Magulo ang sitwasyon noon atsaka hindi ko alam kung saan ako nakatayo. Hindi ako makapag-comment noon.

"Unstable ‘yung sa amin ni Angel. Wala talagang commitment. Close kami noon na nandoon din ‘yung friendship," sabi ni Marvin.

Kinumpirma ni Marvin na matagal na silang walang communication ni Angel.

Anyway, marami pa sanang tanong ang entertainment press kay Marvin tungkol kay Angel, pero umiwas na siya, sa takot na baka maakusahan siyang ginagamit niya ang dalaga.

"At saka, hindi na rin naman napag-uusapan ‘yung sa amin. So, parang pangit na biglang heto ako, nagsasalita," sabi ni Marvin.

Say pa rin ni Marvin, umaasa siya na makakahanap ulit siya ng bagong inspirasyon. Sabi ni Marvin, type sana niyang ligawan si Isabel Oli, na kasama niya sa Mga Mata Ni Anghelita, pero girlfriend na raw ito ni Paolo Contis, kaya imposible na. Busy rin si Marvin ngayon sa syuting niyang Dagaw.

Anyway, hanggang October 5 na lang ang teleserye na Mga Mata Ni Anghelita.
-------------
***

Pagkatapos ng teleseryeng Mga Mata ni Anghelita ay balak ni Paolo Contis na magbakasyon sa Oktubre, at sa Nobyembre siya magbabalik-trabaho.

Sa Hong Kong sila magdiriwang ng birthday ni Isabel Oli. Gastos daw ni Isabel ang lakad.

Isang mamahaling bag ang regalo ni Paolo kay Isabel. Kasama rin sa Hong Kong ang mga magulang ni Isabel. Okay raw ang ama ni Isabel kahit may Parkinson’s disease ito. Touched na touched si Isabel sa boyfriend na si Paolo dahil mas nag-aalala pa raw ito kesa sa kanya sa kalagayan ng ama niya.

100% na magsyota na uli sila. Wala pa silang balak na magpakasal although wish ni Paolo ng tatlo hanggang apat na anak.

No comments: