Saturday, December 29, 2007

Isabel Oli is still Cinderella’s image model for the year 2008

Beauty, talent, and a pleasant personality have definitely elevated model-turned–actress Isabel Oli from her TV commercials and model covers of several fashion magazine in the metropolis to starring in major shows of GMA such as "Atlantika," "Sugo," "Love to Love Season 9 & 11." She was recently part of the GMA teleserye hit "Mga Mata ni Angelita," where she played the character of a mother who was searching for her lost child. Despite the fame and all the attention she gets both from modeling and showbiz, she remains humble and simple which everyone loves about her.

Isabel has been part of the Cinderella family since December 2006. Being multi–talented in the field of modeling and showbusiness, she has the ability to attract and catch the attention and interest of people from different walks of life. She’s not only fashionable but also very versatile, and she can carry very well clothes with different styles, from contemporary classic to modern fashion chic. Ms. Malou Coronel-De Venecia, marketing director of Cinderella said, "Isabel fits perfectly the role of Cinderella image model,"

Last Nov. 19, 2007, Isabel renewed her contract with Cinderella together with GMA Artist Center AVP & Head Ida Henares. She didn’t have to think twice in the renewal of her contract. "Why wouldn’t I renew? To be part of one of the pioneers of Filipino fashion is an honor. I believe in their products and they never fail in keeping up with the trends. I actually thank Cinderella for getting me again" said Isabel Oli. Also, she said that Cinderella has helped her become more confident personally and professionally. As quoted by Isabel, "I’m never shy or nervous in what I wear because I know Cinderella is always up to date when it comes to fashion and has great quality!"

Cinderella, one of the leading retail clothing stores has remained in the fore-front of fashion and has become even more competitive. Cinderella’s brands include Espirit, GII, BritishIndia, Clarks, Osh Kosh B’gosh, Nafnaf, Seventeen, C-Women, C-Kids and Pierre Cardin.

source: manila bulletin 12/24/07
-------------------
Sa mga oras na ito, nasa Singapore na si Paolo Contis para samahan ang kanyang girlfriend na si Isabel Oli. Pero, bago umalis si Paolo, mariin niyang itinanggi na pakakasal na sila ni Isabel sa Singapore.

Sabi ni Paolo, gusto lang niyang magbigay-pugay sa pamilya ni Isabel na nakatira na sa Singapore.

At wala rin daw kinalaman ang plano niyang pagpapatayo ng bahay sa Pebrero 2008. Matagal na raw niyang plano `yon, at hindi raw dahil pakakasal na sila ni Isabel.

Sabi ni Paolo, dream house niya ang ipatatayo niyang bahay. Pero kung saka-sakali, puwede rin daw niya itong ibenta sa mas mataas na presyo.

Sabi pa ni Paolo, naisip niyang pasukin ang naturang negosyo, na magtayo ng bahay para ipagbili. Tutal naman daw ay matagal na rin na nasa construction business ang kanyang pamilya.

Giit pa rin ni Paolo, bagamat kuntento siya sa pagmamahalan nila ni Isabel, wala pa sa isip niya ang magpakasal. Unang-una, hindi pa raw niya kayang iwanan ang kanyang mga magulang.

At alam din ni Paolo na hindi pa handa si Isabel na mag-asawa. Bukod pa sa pareho raw maganda ang career nila ni Isabel, at nakapanghihinayang na mapabayaan.

May mga nagsasabi kay Paolo na subukan na lang nila ni Isabel na mag-live in muna, para makilala nila ang isat isa, bago magpakasal.

"Hindi, ah! Bawal yon! Hinding-hindi namin gagawin yon! Hindi namin napag-uusapan `yon. Hindi ko puwedeng gawin `yon kay Isabel," sabi ni Paolo.

Sisiguraduhin daw ni Paolo na kapag nagsama sila ni Isabel ay kasal na sila. At sisiguraduhin daw niya na kapag nagpakasal na siya at wala na talagang sisihan pa sa bandang huli.

source: abante online 12/30/07
***
Happy New Year to everyone. Sana more, more more, projects & endorsements for Isabel.

Saturday, December 15, 2007

TV remake of "Maging Akin Ka Lamang" starts taping on January 2008


c/o pep.ph
Ruel Mendoza
Wednesday, December 12, 2007
11:07 AM

Natuloy na ang story conference ng pinakabagong Sine Novela na papalit sa malapit nang magwakas na Pasan Ko Ang Daigdig—ang Maging Akin Ka Lamang.

Ang Maging Akin Ka Lamang ay isang obra ni Lino Brocka noong 1987 na pinagbidahan nina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Jay Ilagan, at Lorna Tolentino. Ang Viva Films ang nag-produce nito kung saan nagkamit ng maraming awards si Lorna bilang best actress.

Sa Sine Novela version, ang gaganap sa papel nina Christopher at Dina ay ang real-life sweethearts na silna Patrick Garcia at Jennylyn Mercado. Si Carlo Aquino naman ang gaganap sa role ni Jay at si Isabel Oli ang nakatoka sa naging award-winning role ni Lorna.

Ang iba pang bubuo ng cast TV remake ng Maging Akin Ka Lamang ay sina Alicia Alonzo, Pinky Amador, Dexter Doria, at StarStruck 3 Avenger Arci Muñoz. Si Gil Tejada ang magdidirek nito. Sa January 2008 naka-schedule first taping day nila.

Hindi makapaniwala si Isabel na sa kanya ibinigay ang role bilang Rosita Monteverde na unang ginampanan ni Lorna sa pelikula. Paborito raw kasi ni Isabel si Lorna at laking tuwa niya nang siya ang mapili sa coveted role na ito.

Kuwento ni Isabel, "Kailan lang kasi napanood ko sa TV yung Maging Akin Ka Lamang at galing na galing ako kay Ms. LT. Hindi ko akalain na balang-araw ako ang gaganap sa role na ‘yon.

"Definitely, maiiba na ang image ko kasi bida-kontrabida ang pagganap ni Rosita. Medyo maiiba ang looks ko pati na ang mga gagawin ko sa drama series na ito. Kasi nga, aakitin ko si Patrick dito at nanakawin ko ang anak nila ni Jennylyn.

"So it's a total change talaga from the image kung saan nakilala ako ng marami. Nasanay na silang mahinhin ako, pa-sweet at nagpapa-tweetums. Ngayon, lalabas ang pagiging maldita ko sa Maging Akin Ka Lamang."

Para naman sa magkasintahang sina Patrick at Jennylyn, ito ang unang opisyal na pagsasama nila sa isang soap opera at mag-asawa pa ang magiging papel nila. Sabi nga ni Patrick, isang malaking challenge para sa kanya na gampanan ang role ni Christopher de Leon bilang si Nick dahil malaki ang paghanga niya sa multi-awarded actor.

"Before, I used to play Christopher de Leon's son, now I'm playing one of his memorable roles," nakangiting wika ni Patrick. "It's a big challenge for me because it's a good role and a very good actor portrayed it first. Nakaka-pressure because hindi malayong ma-compare ako talaga. But I will do my best para naman kahit paano ay magampanan ko nang maayos yung role."

Masayang-masaya naman si Jennylyn dahil magkakasama na nga sila ni Patrick sa isang soap opera at equally challenging din ang role na napunta sa kanya bilang si Elsa.

"Maraming mabibigat na eksena si Ms. Dina Bonnevie sa movie at gusto ko sanang mapantayan ‘yon," sabi ni Jennylyn. "Palaban kasi siya rito dahil nawala ang anak niya at gusto pang agawin ang asawa niya. Gusto kong maka-relate sa character kaya naman ngayon pa lang pinag-aaralan ko na ang magiging atake ko sa role."

Excited din si Carlo sa pagganap niya sa role na unang ginampanan ng yumaong aktor na si Jay Ilagan. Sa pagkakaintindi ni Carlo sa role, obsessed ito kay Rosita [Isabel] at umabot pa sa puntong handa itong pumatay para sa pag-ibig niya.

"Tulad sa ginawa ko sa Sinasamba Kita, medyo baliw din sa pag-ibig ang role ko rito!" tawa ni Carlo. "Masusubukan na naman ang kakayahan ko as an actor. As always, gagawin ko ang nararapat para mabigyan ko ng justice ang papel na ibinigay sa akin."