Saturday, December 15, 2007

TV remake of "Maging Akin Ka Lamang" starts taping on January 2008


c/o pep.ph
Ruel Mendoza
Wednesday, December 12, 2007
11:07 AM

Natuloy na ang story conference ng pinakabagong Sine Novela na papalit sa malapit nang magwakas na Pasan Ko Ang Daigdig—ang Maging Akin Ka Lamang.

Ang Maging Akin Ka Lamang ay isang obra ni Lino Brocka noong 1987 na pinagbidahan nina Christopher de Leon, Dina Bonnevie, Jay Ilagan, at Lorna Tolentino. Ang Viva Films ang nag-produce nito kung saan nagkamit ng maraming awards si Lorna bilang best actress.

Sa Sine Novela version, ang gaganap sa papel nina Christopher at Dina ay ang real-life sweethearts na silna Patrick Garcia at Jennylyn Mercado. Si Carlo Aquino naman ang gaganap sa role ni Jay at si Isabel Oli ang nakatoka sa naging award-winning role ni Lorna.

Ang iba pang bubuo ng cast TV remake ng Maging Akin Ka Lamang ay sina Alicia Alonzo, Pinky Amador, Dexter Doria, at StarStruck 3 Avenger Arci Muñoz. Si Gil Tejada ang magdidirek nito. Sa January 2008 naka-schedule first taping day nila.

Hindi makapaniwala si Isabel na sa kanya ibinigay ang role bilang Rosita Monteverde na unang ginampanan ni Lorna sa pelikula. Paborito raw kasi ni Isabel si Lorna at laking tuwa niya nang siya ang mapili sa coveted role na ito.

Kuwento ni Isabel, "Kailan lang kasi napanood ko sa TV yung Maging Akin Ka Lamang at galing na galing ako kay Ms. LT. Hindi ko akalain na balang-araw ako ang gaganap sa role na ‘yon.

"Definitely, maiiba na ang image ko kasi bida-kontrabida ang pagganap ni Rosita. Medyo maiiba ang looks ko pati na ang mga gagawin ko sa drama series na ito. Kasi nga, aakitin ko si Patrick dito at nanakawin ko ang anak nila ni Jennylyn.

"So it's a total change talaga from the image kung saan nakilala ako ng marami. Nasanay na silang mahinhin ako, pa-sweet at nagpapa-tweetums. Ngayon, lalabas ang pagiging maldita ko sa Maging Akin Ka Lamang."

Para naman sa magkasintahang sina Patrick at Jennylyn, ito ang unang opisyal na pagsasama nila sa isang soap opera at mag-asawa pa ang magiging papel nila. Sabi nga ni Patrick, isang malaking challenge para sa kanya na gampanan ang role ni Christopher de Leon bilang si Nick dahil malaki ang paghanga niya sa multi-awarded actor.

"Before, I used to play Christopher de Leon's son, now I'm playing one of his memorable roles," nakangiting wika ni Patrick. "It's a big challenge for me because it's a good role and a very good actor portrayed it first. Nakaka-pressure because hindi malayong ma-compare ako talaga. But I will do my best para naman kahit paano ay magampanan ko nang maayos yung role."

Masayang-masaya naman si Jennylyn dahil magkakasama na nga sila ni Patrick sa isang soap opera at equally challenging din ang role na napunta sa kanya bilang si Elsa.

"Maraming mabibigat na eksena si Ms. Dina Bonnevie sa movie at gusto ko sanang mapantayan ‘yon," sabi ni Jennylyn. "Palaban kasi siya rito dahil nawala ang anak niya at gusto pang agawin ang asawa niya. Gusto kong maka-relate sa character kaya naman ngayon pa lang pinag-aaralan ko na ang magiging atake ko sa role."

Excited din si Carlo sa pagganap niya sa role na unang ginampanan ng yumaong aktor na si Jay Ilagan. Sa pagkakaintindi ni Carlo sa role, obsessed ito kay Rosita [Isabel] at umabot pa sa puntong handa itong pumatay para sa pag-ibig niya.

"Tulad sa ginawa ko sa Sinasamba Kita, medyo baliw din sa pag-ibig ang role ko rito!" tawa ni Carlo. "Masusubukan na naman ang kakayahan ko as an actor. As always, gagawin ko ang nararapat para mabigyan ko ng justice ang papel na ibinigay sa akin."

No comments: