Tuesday, January 15, 2008

Msc Articles feat. Isabel Oli


credits to abante & journal group
http://www.abante-tonite.com/issue/j...butilamzik.htm
ni: Abu Tilamzik

Si Isabel Oli ang hinuhulaan naming mapapansin sa bagong teleserye ng GMA 7, ang Ma*ging Akin Ka Lamang.

Ang role ni Lorna Tolentino ang gagampanan ni Isabel at napansin si LT sa pelikulang ito.

Inaasahang mapansin din dito si Isabel kung maayos lang sana ang pag-handle sa kanya.

Isa siya sa mga bida rito kasama sina Nadine Samonte, Polo Ravales at Carlo Aquino.

Nagti-text na tuloy ang ibang mga fans ni Isabel, bakit kina Polo at Nadine lang daw naka-focus ang bagong teleseryeng ito gayung malaki at mapanghamon ang role na ginagampanan dito ng dalaga.

--------------
ISABEL, HUMAGULGOL MATAPOS GAHASAIN SI PATRICK!

SA mismong bibig ni Isabel Oli na ‘ginahasa’ niya si Patrick Garcia.

Sa presscon ng Ma*ging Akin Ka Lamang ng GMA 7, ikinuwento ni Isabel na naiyak siya matapos niyang gahasain, ang tatay ng sanggol sa sinapupunan ni Jennylyn Mercado.

“Sa scene kasi na ginawa namin ni Patrick, nilasing ko siya at dahil matindi ang obsession ko sa kanya, ni-rape ko ta*laga siya.

“Naiyak ako after, kasi parang hindi ko alam kung ano ang na*ging resulta.

Sabi ko, tama ba `yung ginawa ko? Okey ba ako? Pero, sabi ni Direk Gil Tejada, okey naman kaya take on lang kami,” bungad na kuwento ni Isabel.

Para sa kaalaman ng lahat, si Patrick ang unang leading man sa Sine Novela na Maging Akin Ka Lamang, pero dahil nabuntis nga si Jennylyn, pinalitan ito ni Polo Ravales.

At bagamat inulit pa rin ang eksena na kung saan ay ginahasa niya ang bidang lalake sa Sine Novela, hindi na raw siya nahirapan.

“Okey na nung inulit, kasi nagawa ko na kay Patrick. With Polo, wala nang problema,” say ni Isa*bel.

Sabi pa rin ni Isabel, hindi magiging madali lang lahat sa kanya kung hindi niya naramdaman ang suporta ng boyfriend niyang si Paolo Contis.

Si Paolo raw ang unang kumumbinsi sa kanya na tanggapin ang papel na unang ginampanan ni Lorna Tolentino sa movie version nito, dalawang dekada na ang naka*raraan.

“Kahit sa taping namin, nagpunta si Tattie (tawag ni Isa*bel kay Paolo). Hindi naman sa natakot siya or nagselos siya kaya siya nagbantay, kundi gusto lang niya akong ma*ging kumportable.

“Nung mabasa kasi niya `yung script, sabi niya, ‘Mommy (tawag ni Paolo kay Isabel), tanggapin mo `yung role, maganda’.

“And then, sa taping namin, siya `yung nakatingin sa mo*nitor. Siya `yung nagsabi sa akin na okey ang ginawa ko. Ayoko kasing tingnan `yung scene. Pero, sabi nga ni Tattie, okey raw, walang problema, hindi raw malaswa. Anyway, hindi naman puwede sa TV ang malaswa,” patuloy na kuwento pa rin ni Isabel.

Sa presscon nga, taglay-taglay pa rin ni Isabel ang ma*laking pagbabago sa kanyang itsura. Hindi na nga siya `yung Isabel na parang sobrang konserbatibo, na bagamat modelo ang dating, parang palaging nahihiya.

Kitang-kita nga ang confidence sa itsura ni Isa*bel ngayon. Wala nga siyang pakialam kung malantad man ang kanyang magagandang hita sa suot niyang maiksing damit.

At medyo makapal-kapal na rin ang make up na nakakulapol sa kanyang mukha.

Sabi ni Isabel, part daw `yon ng preparations na ginawa niya para sa papel niya bilang Rosita. Si Ro*sita raw kasi ay isang mayamang babae, na edukada at sosyal na sosyal ang dating.

At sa pagbabago ng itsurang `yon ni Isabel, sabi nga ay parang nakuha na niya ang kagandahan ni Lorna noon.

“May pressure talaga, dahil si Ate Lorna ang unang nag-portray sa role na pinu-portray ko nga*yon. Napanood ko `yung movie, at ang husay-husay niya. Sabi ko nga, kahit sana katiting sa ginawa niya, makuha ko. Eh, I heard pa na naka-grandslam si Ate Lorna for best actress para sa movie na ito.

“Natakot talaga ako sa simula. Sabi ko nga, ang laki ng role ko. Parang bida-kontrabida. Matindi talaga ang pressure. Pero, ginawa ko naman `yung dapat kong gawin,” lahad pa rin ni Isabel.

Si Rosita rin daw ang klase ng babae na sobrang agresibo, na gagawin ang lahat, makuha lang niya ang lalakeng minamahal. Doon daw sila magkaiba ni Rosita.

“Sa career, agresibo ako. Pero sa romance, slow ako, eh,” nakangi*ting pag-amin niya.

Wala pa raw balak sina Isabel at Paolo na magpakasal.

“Bahay muna bago kasal. Wala pa kaming bahay, eh. Kung may bahay na, doon na siguro puwedeng pag-usapan ang kasal,” say na lang ni Isabel.

Anyway, kasama rin sa Maging Akin Ka Lamang sina Nadine Samonte, Carlo Aquino, Alicia Alonzo, Dexter Doria, Juan Rodrigo, Mike Tan, at Arci Munoz.

--------------
http://www.abante-tonite.com/issue/j...inment_abu.htm
Isabel, ipinagmamalaki si Paolo
ni: Abu Tilamzik
Lalong gumaganda si Isabel Oli dahil na rin kay Paolo Contis si*guro na inspirasyon niya at all-out pa ang suporta sa kanya sa bago niyang serye.

Malaking challenge kay Isabel na gampanan ang papel ni Lorna Tolentino sa Maging Akin Ka Lamang.

Alam daw niyang mahirap lagpasan ang galing ni LT sa pelikulang iyun, pero sana ay magampanan daw niya nang maayos.

Napag-usapan ang bahay na ipinapatayo ni Paolo, natatawa si Isa*bel kapag naalala niyang madalas na sinasabi ni Paolo ang tungkol sa kanilang kuwarto sa bahay na iyun.

Kung magsalita si Paolo ay parang tiyak na tiyak na siyang si Isabel ang ititira niya sa ipinapatayong bahay.

Natutuwa naman ang magandang aktres dahil kasama siya sa mga plano ni Paolo.

Nalulula raw siya sa mga gastos ni Paolo sa bahay na iyun para mapaganda lang.

Kaya siya na raw minsan ang nagku-control na huwag masyadong pala*kihin ang gastos dahil kailangan din nilang magtipid para sa mga susunod nilang plano.

Kung kasal ang tinutukoy ni Isabel, tsaka na raw pag-usapan iyun dahil marami pa silang plano ni Paolo.

Proud na proud din si Isabel sa bagong look ngayon ni Paolo na nagpakulay ng buhok. Lalo raw gumuwapo ang aktor pero sobrang tiwala raw siya kahit aware siyang maraming girls ang naghahabol sa aktor.

-----------
http://www.abante-tonite.com/issue/j...t_pralala1.htm
Jerry Olea
Ayon kay Isabel Oli, ok lang sa boyfriend niyang si Paolo Contis ang kissing scene niya with Polo Ravales sa sinenobelang Maging Akin Ka Lamang.

“Hindi siya seloso,” sambit ni Isabel. “Alam niyang hindi ako pababayaan ni Direk Gil (Tejada).

“Andu’n si Paolo nang kunan ang kissing scene. Tingin ko, may mali sa pag-kiss ko sa neck, kaya tinanong ko pa siya, ‘Pwede na ba ‘yun?’
“Parang weird nga!”
------------------
http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=46027
By: Mario E. Bautista
Freehand
ISABEL SCARED OF LT ROLE

ISABEL Oli gets the most challenging role in her career as Rosita Monteverde, the anti-heroine in “Maging Akin Ka Lamang” that will replace “Pasan Ko ang Daigdig” in GMA-7’s Dramarama sa Hapon starting Monday.

“When Direk Gil Tejada told me I’d play the lead role, pinanood ko ang original movie starring Lorna Tolentino as Rosita and after watching it, I got so scared,” she says. “It’s a very demanding role at baka hindi ko makaya. Miss LT won several best actress awards daw for her performance and that’s an added pressure. But then, I also welcome the challenge. Sayang naman if I’d bypass such a good role. Direk Gil promised me he’d take good care of me and in fairness to him, talagang hindi niya ako pinabayaan.”

What did her boyfriend, Paolo Contis, say about it? “He’s very supportive. Sabi niya, tanggapin ko raw. And during one of the most difficult scenes, when I made Patrick Garcia drunk, then seduced him and practically raped him, he was there to give me moral support.

Tinanong ko pa nga siya kung okay ang trabaho ko kasi take one lang ako kay Direk Gil at hindi na pinaulit. Okay naman with him. But later, we had to repeat the same scene all over again as Patrick was replaced by Polo Ravales after Jennylyn Mercado got pregnant and was also replaced by Nadine Samonte. But by then, alam ko na ang gagawin ko. For this bida-kontrabida role, I have to forget myself kasi very aggressive si Rosita, e I’m not like that. She’s also an heiress who’s filthy rich, so I have to get my own stylist and make up artist para tulungan akong mag-project na rich socialite ako on screen.”

We heard Paolo is building a house for the two of them. Does this mean we’ll hear wedding bells ringing for them soon? “Ay, hindi pa. We have no plans yet. As of now, we’re happy with our setup and he even spent New Year in Singapore with my family. We’re just supportive of each other’s career. I watched his movie, ‘Banal’, at pinabilib din niya ako roon kasi he’s always playing villain roles at mabait na bida naman siya roon.”
------------
http://www.journal.com.ph/index.php?...ec=3&aid=46086
(uncredited)
IN fairness, maraming fans ang concerned na huwag maapi si Isabel Oli sa bagong afternoon Sinenovela ng GMA-7 na Maging Akin Ka Lamang.

Sa mga naunang press release raw kasi ng Siyete, parang sina Nadine Samonte at Polo Ravales lang ang bida ng dating pelikula nina Dina Bonnevie, Christopher de Leon, Lorna Tolentino at Jay Ilagan.

Eh, kung tutuusin daw, equally important naman ang roles na ginagampanan nina Isabel at Nadine, kaya hindi dapat solohin ng huli ang limelight.

Kung si Nadine ang gaganap na Dina, si Isabel naman si LT. Si Polo si Boyet at si Carlo si Jay.

Pero kung sabagay, sa press kit na ibinigay sa MAKL presscon the other night, naka-specify doon na ang serye ay “kuwento ng apat na nilalang na umibig at nasaktan.”

Meaning, pare-pareho lang silang bida sa MAKL, kaya hindi dapat mag-alala ang avid Isabel followers. We’re sure GMA-7 execs know na may ibubuga ito sa akting.

================
Comment: Attn: GMA Execs: Isama niyo si Isabel & Carlo sa picture ng MAKL, silang apat ang bida dun. I'm sure ma-upstage ni Carlo si Polo Ravales.
----------
Pls. take note of the ff: sked of mall tours/appearances of Miz Isabel Oli

Jan 19 SM Bicutan
Jan 20 SOP Grand Promo of Maging Akin Ka Lamang
SM Valenzuela
Jan 21 Premier Telecast of Maging Akin Ka Lamang

Jan 27 SM Bacoor
Feb 2 SM Dasma
Feb 3 SM Molino
Feb 10 SM Lipa

Sunday, January 13, 2008

Maging Sino Ka Lamang starts on Jan 21 on GMA Dramarama

teaser





watch out for mall tours and SOP on Jan 20 for their promo

Sunday, January 06, 2008

Isabel, maldita!


(RUEL MENDOZA)

Makakasama nga si Isabel Oli sa bagong GMA Sine Novela na Maging Akin Ka Lamang, na pagbibidahan nina Nadine Samonte at Polo Ravales.

Hango ito sa 1987 Viva movie ng the late Lino Brocka na originally ay pinagbidahan nina Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Dina Bonnevie at Jay Ilagan.

Hindi nga makapaniwala si Isabel na sa kanya ibibigay ang role ni Lorna Tolentino bilang si Rosita Monteverde. Paborito ni Isabel si Lorna kaya masaya siya.

Alam ni Isabel na maraming awards na napanalunan si LT dahil sa pelikulang ito.

“Napanood ko sa TV ‘yung Maging Akin Ka Lamang at galing na galing ako kay Ms. LT. Hindi ko akalain na balang araw ako ang gaganap sa role na iyon.

“Definitely, maiiba na ang image ko kasi bida-kon­trabida ang pagganap ni Rosita. Medyo maiiba ang looks ko pati na ang mga gagawin ko sa drama na ito. Kasi nga aakitin ko si Polo rito at nanakawin ko ang anak nila ni Nadine.

“So it’s a total change talaga from the image na nakilala ako ng marami.

Nasanay na silang mahinhin ako, pa-sweet at nagpapa-tweetums. Ngayon lalabas ang pagiging maldita ko rito.”

Sabi pa ni Isabel, gusto niyang makausap si LT para makakuha siya ng tips kung paano nito ginampanan ng buong husay ang papel na Rosita.

“Gusto kong may malaman ako kay Ms. LT. Kasi nga the late Lino Brocka ang nagdirek ng movie at gusto kong makakuha ng ilang acting tips. Pero hindi ko naman totally gagayahin si Ms. LT. Magbibigay pa rin ako ng sarili kong interpretasyon sa role.”

------------
Maging Akin Ka Lamang premiers on Jan 21 2008 on Dramarama (replacing Pasan Ko)
Watch out for mall tours of the cast and SOP on Jan 20, 2008.

Good Luck Idol!