Monday, June 15, 2009

Dear friend "Bakasyunista" premiers June 14



By: Nitz Miralles

Masaya at magulo ang bagong episode ng Dear Friend na Bakasyunistas na magpa-pilot this Sunday at makaka-relate ang viewers. Istorya ito ng tatlong dalagang nagbakasyon para makapag-bonding at tatlong binatang magbabakasyon para mag-goodtime at mambabae.Titira sila sa iisang resthouse at dito na magsisimula ang gulo dahil may maarte, may nerd, may brokenhearted. Meron ding babaero, torpe at mahirap, pero may dignidad. Magkakagulo, may mag-sasapakan, may magkakaa-minan at may pagpupus-tahan. Maging masaya pa kaya ang bakasyon ng anim sa atmosphere na ito?Tampok sa naiibang episode sina Mark Herras (Alex), Rainier Castillo (Aaron), Chris Cayzer (Troy), Ryza Cenon (Mia), Sheena Halili (Tracy) at Isabel Oli (Gina). Gil Tejada directs.
comments: sobrang laugh trip

No comments: