Isabel & John are officially Engaged!
LINK TO PEP
Sina John Prats at Isabel Oli ang bagong dagdag sa listahan ng celebrity couples na na-engage ngayong taon. Kani-kanina lamang, September 24, ay nag-propose na si John, 30, kay Isabel, 32, sa Eastwood Citywalk, sa Quezon City. Ayon sa salaysay ni Charisse Santillan-Tinio ng Nice Print Photography sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong gabi, ang buong akala ni Isabel ay magsa-shopping lang sila ni Camille Prats, nakababatang kapatid ni John. Habang naglalakad ay nakita nila ang maraming tao sa gitna ng Eastwood Citywalk kaya nakiusyoso ang dalawa. Nakita nila ang maraming taong nagsasayaw, ngunit nagulat si Isabel nang lumabas si John at nakisayaw rin. Pagkatapos nito ay ipinalabas na sa higanteng video wall ang mensahe ni John para kay Isabel na sinundan ng fireworks sa paligid ng mall. Nang matapos ang fireworks ay lumuhod si John sa harapan ni Isabel at inilabas ang isang maliit na kahon na naglalaman ng singsing. Dito na nag-propose si John, at umiiyak namang sinagot siya ni Isabel ng "Yes!"
CONGRATS TO JOHN and ISABEL!
This is not an official site of Filipina model/actress Isabel Oli. This site is created by a fan and is not affiliated with either Isabel Oli nor with GMA network.


Get in touch with ISABEL.
Text ISABEL [Your Message]
Send to 4627 for Globe, TM, Sun,
Smart and Talk & N Text.
For MMS -register thru text: type GOMMS ISABEL send to 4627
No comments:
Post a Comment