Thursday, September 07, 2006

Atlantika, rising soon on GMA


SAKRIPISYO bilang artista ang paglabas ni Dingdong Dantes sa Atlantika. First taping day lang ay nagkaroon agad siya ng galos at nagkaroon pa ng allergy sa katawan dahil sa pagbabad sa tubig dagat.

Ani Dingdong na na-meet namin sa last presscon ng Eternity: “ Kahit naka scuba suit ako, tinablan pa rin ako ng allergy. Mahirap din pag nakababad sa dagat ng matagal.”

Halata nga sa mukha ni Dingdong na medyo na-sun burn siya. Mamula-mula pa rin ito. Pero, okay lang sa kanya dahil ibang dimension ng pagiging actor niya ang paggawa niya ng Atlantika. Ibang galing sa action ang mapapanood sa kanya.

Di pa raw ngayon September mapapanood ang Atlantika. Sabi ni Dingdong ay October pa raw ito.

Ilan lang sa cast na binanggit ni Dingdong na kasama sa Atlantika ay sina Iza Calzado, Isabel Oli, Katrina Halili, Chynna Ortaleza, Valerie Concepcion, Paulo Contis, Rudy Fernandez, Ariel Rivera, Gardo Versoza, at Cherrie Pie Picache.

Five days nang nagtitapig ang soap. Ang mga naunang mga eksena ay kinunan ang mga bata. Lumalabas na mga young characters nina Dingdong, Iza, Velarie, Katrina at iba pa.

Ang lalabas na young Valerie na kabigan matalik si Iza ay si Ella Cruz, ang lumabas na young Sabina sa Majika

No comments: