Thursday, May 31, 2007

Isabel Oli denies alleged sex video with Paolo Contis


C/o pep news pep.ph
Dinno Erece
Friday, June 1, 2007

Recently, may kumakalat na blind item about a young female star na may sex video raw with a partner. Patanong na pala itong napangalanan as Isabel Oli, Unilab's endorser for their new Myra-E Hand and Body Lotion.
Bagama't nag-press con ang Unilab for Isabel just yesterday, May 31, sa Annabel's restaurant, hindi ito naitanong sa kanya dahil more on the current status of her relationship with Paolo Contis lang ang napag-usapan.

The alleged sex video has a girl daw going down on a guy at si Isabel nga raw ang babae at si Paolo naman ang guy.

Itinimbre lang sa amin ito ng aming patnugot sa PEP (Philippine Entertainment Portal), na si Isabel nga raw ang pinapangalanan sa nasabing blind item, kung kaya't nag-text kami agad sa young actress-model about this issue. Imbes na text answer, tumawag sa amin si Isabel to clear this.

"Matagal na 'yan, mga friends ko pa nga sa Cebu ang nag-text sa akin na may video nga raw ako tapos nagtatawanan sila," unang sabi ni Isabel.

"At first nainis ako kasi bakit naman maiisip ng tao na gagawa ako ng ganoon? Pero sabi rin ng mga friends ko, kamukhang-kamukha ko raw talaga. Kaya lang, sila hindi naniniwalang ako 'yon dahil bukod sa may katabaan daw ang girl, ang laki raw ng boobs!" natatawang sabi ni Isabel.

Isabel has a very slim type of body with medium to average bust size to fit her structure perfectly. Sa nasabing press con nga ng Myra-E, naitanong sa kanya kung willing na siyang mag-pose sa FHM dahil nag-two-piece na rin naman siya sa isang giant billboard for Cinderella at ang nasagot niya na nang patawa, magpapalaki raw muna siya ng boobs.

"Pero December pa ito kumalat sa Cebu at hindi cell phone video, mail attachment, ngayon lang ito lumabas?" natatawang dagdag ni Isabel.

We asked her kung napanood niya ang naturang sex video and she said no. Hindi raw siya nanonood ng ganoong klaseng material. Hindi rin siya nagkainteres na panoorin ito kahit mayroon ang mga friends niya for curiosity sake.

"Ang mga friends ko nga, pagkatapos mapanood binura na. Kasi alam nila it's not me, kaya hindi na rin ako nakahingi ng kopya," kuwento ni Isabel.

After the call and while typing this item, Isabel sent two text messages.

The first: "Hi. Send mo sa akin kung may copy ka ha, please. He he he. Gusto ko na ring makita. Hay... Nakakainis man but gusto ko pa ring makita. Thank you rin for letting me know na may kumakalat na ganyan."

The second: "Pa-send din daw si Pao [Paolo Contis] ng video, he he he. Di totoo 'yan, pero naiintriga pa rin kami ni Pao."

Welcome back Idol!


* After a month vacation in Singapore,Isabel arrived on Phil. shores last 5/30/07.
----------------

Isabel sasabak sa recording
6/01/2007 People’s Tonight

HINDI inasahan ni Isabel Oli na magiging artista siya. Unang napansin ang ganda niya sa Sugo.

Dahil sa galing sa pagganap, nasundan ito ng iba pang shows sa GMA 7.

Pero, hindi lang acting ang talent ni Isabel.

“At the moment, I’m focusing on acting. But I’m also exploring a singing career. Hopefully, either this year or next year, I’ll be able to have my own album.”

Kahit pa sobrang busy, sinisiguro ni Isabel na may oras siya lagi para makipag-bonding sa pamilya.

Kakagaling lang niya sa Singapore, kung saan naninirahan ang mga magulang at kapatid.

“I stayed there for almost a month. Naging tradition na kasi namin to gather the whole family there every summer. Lalo na since my dad was hospitalized last April, I really wanted to be there with him para alagaan siyang mabuti,” dagdag ni Isabel.

Hindi raw nakasunod ang (ex?) BF na si Paolo Contis sa sobrang busy sa career.

Kapag nasa Manila, abala naman si Isabel sa taping, photo shoot at pagwu-workout sa gym. Maalaga si Isabel sa sarili para laging healthy.

Maingat siya sa kinakain. “I try to avoid food na masyadong oily. I love eating fruits, vegetables and fish, and I drink plenty of water. I try to drink eight to 10 glasses of water a day.”

Hangga’t maaari, at least four times a week siya nagwu-workout, anang bagong endorser ng Myra E Facial Moisturizer at Skin and Body Lotion.

Isa si Isabel sa “It” girls ngayon, pero para sa kanya, una sa lahat ang pagiging anak sa mga magulang at sa Diyos. Matindi ang kanyang Christian faith, kaya nakararaos sa challenges at in touch sa realidad ng buhay.

Tuesday, May 22, 2007

Tuesday, May 15, 2007

Upcoming projects

* various articles on Isabel's next project. Sana final na ito. thanks jamo!


Journal Group
DAILY INSIDER
By: Dinno Erece
SET to start na rin ang Mga Mata Ni Angelita sa GMA.

Originally created to be part of the afternoon soap block and as a Sine Novela -- from radio naging movie agad ito ng nasirang Julie Vega and never naging TV show -- na elevate sa primetime ang Mga Mata Ni A-ngelita and now it is in pre-production na with Khryss Adalia scheduled to direct this one.

Angelita is pegged for the kid star Kristal Reyes, ang dating Maria Jolina Reyes na sumikat bilang batang Kristal sa Bakekang noon kung kaya’t in-adopt na rin ang kanyang character name to her screen name. She was last seen sa afternoon soap na Princess Charming.

Reportedly joining her will be Marvin Agustin, Mark Herras, Isabel Oli and Lucy Torres-Gomez in a special role as the Virgin Mary.

Baka mauna pa ang Mga Mata Ni Angelita kaysa Shaider.
--------------------------------


Journal Group
DAILY INSIDER
Dinno Erece
MORE about Shaider
Malapit nang magsimula ang first solo primetime soap ni Marky Cielo, the Philippine version of the hit science fiction show of Japan during the late ‘80s na ipinalabas din sa Pilipinas several times and in several television channels including IBC 13, GMA-7 and ABS-2 in that order.

Si Dominic Zapata ang magdidirek nito after he finishes Super Twins.

Marky, it turns out, will have two leading ladies pala.

One is Kris Bernal of StarStruck IV and the other, his first leading lady in his first primetime soap, si Lovi, sa Bakekang.

Si Jay Manalo ang nakatakdang maging main kontrabida at ang mga alagad niya naman ay sina Bianca King, Iwa Moto, Arci Muñoz and Isabel Oli.
--------------

Nililigawan pa si Raymart Santiago to be part of the cast. Sa tingin namin kapag napasama si Raymart sa palabas na nabanggit namin sa unahan, magiging hit na hit ito dahil alam naman ng lahat ng televiewers kung gaano ka-versatile ang mister na ito ni Claudine Barretto when it comes to acting.

-------------------
GMA-7 acquires Shaider, to air Pinoy version
05/08/2007 | 12:26 PM
Email this | Email the Editor | Print | Digg this | Add to del.icio.us
Shaider, or Uchuu Keiji Shaider (English translation: Space Sheriff Shaider), is a Japanese live action series that originally ran in Asahi TV Japan noong 1984. Sa Pilipinas, it was first broadcast and dubbed in Filipino sa IBC-13 noong 1992 , then re-telecast sa GMA-7 noong 2003.

Its last syndicated run was in Hero TV, cartoon channel of ABS-CBN, two years ago. It had 48 original episodes.

Tulad ng isa pang popular Japanese work na Lupin, nakuha rin ng GMA-7 ang rights ng Shaider. Isa ito sa mga primetime shows ng Kapuso Network.

Dominic Zapata is set to direct the Philippine version of Shaider after his Super Twins stint.

Ang StarStruck 3 Ultimate Sole Survivor na si Marky Cielo ang nakatakdang gumanap sa papel na Shaider. Ang StarStruck 4 Ultimate Female Survivor namang si Kris Bernal ang napipisil na gumanap na Annie.

Si Jay Manalo naman ang gaganap sa main villain na si Commander Kom. He will have five female assistants—four of which will be Bianca King, Isabel Oli, Arci Muñoz, and Iwa Moto.

Ang Shaider din ang magiging follow-up primetime show ni Raymart Santiago after Narito Ang Puso Ko with Jolina Magdangal.

Sa original version ng Shaider, ang main character bilang Shaider/Dai Sawamura ay ginampanan ni Hiroshi Tsuburaya. Sa Philippine version nito ay ginawang Alexis del Mundo ang pangalan ng alter-ego ni Shaider. Si Annie naman ay ginampanan ni Naomi Morinaga. Namatay si Hiroshi noong July 24, 2001 sa edad na 37 dahil sa liver cancer.

Balitang ang Shaider ang papalit sa Asian Treasures nina Angel Locsin and Robin Padilla na magtatapos next month. - Philippine Entertainment Portal
-----------

Sunday, May 13, 2007

Paolo, gustong sundan si Isabel

c/o abante-tonite.com 5/12/2007
Peoples Tonite
KAHIT hindi pa official ang reconciliation, inamin ni Paolo Contis na constant ang communication nila ng (ex?) girlfriend na si Isabel Oli. In touch daw sila kahit nasa Singapore pa ang dalaga with her family.

Ani Paolo, saka niya na-realize kung gaano kamahal ang GF nang iwan siya nito. Kaya naman kahit sasailalim pa lang sa Smart Lipo under Dra. Vicki Belo kahapon ng hapon, ang pagsunod na kay Isabel sa Singapore ang pinaplano ng young actor.

“Kahit three days lang,” hirit nito sa manager na si Lolit Solis, “pangit naman kasi kung sa text namin pag-uusapan ang tungkol sa reconciliation, ’di ba? If I go there, baka sakali.”

Yes, nagpasipsip si Paolo ng taba para maibalik ang 32-inch waistline at updated si Isabel tungkol dito. Tumaba raw kasi si Paolo at nagkaroon ng love handles dahil sa kakakain sa taping.

“Nu’ng nasa Middle East ako, mga 200 tao yata ang tumawag sa akin na taba. Muntik ko ngang tadyakan, eh,” birong tsika ng aktor, na 190 lbs. at 5’10” tall sa edad na 23.

Hindi raw siya takot sa halos two-hour lipo procedure, na kinober pa ng FHM, dahil under sedation siya all throughout. In one or two days, puwede nang maglakad si Paolo.

By the way, nang malamang magpapa-lipo si Paolo, pinadalhan ito ni Claudine Barretto, naging co-star sa Home Along da Riles, ng sandamukal na sanitary pad at sheet.

Monday, May 07, 2007

OFW Pinoy Star Mag April 2007




OFW Pinoy Star is the leading Filipino community magazine in Singapore, published on a monthly basis. It is packed with news and features which informs, educates and entertains overseas Filipino workers of all the happenings in the Philippines.

OFW Pinoy Star is also a mirror of what’s happening in the Singapore community. The articles keep the readers informed of new rules and regulations by the Singapore and Philippine authorities.

Our team of experienced writers and journalists in Manila provide the latest happening in the Filipino entertainment industry – the movies, the lives and secrets of actors and actresses, new movies and new TV serials. These are the type of information that appeals to Filipinos, especially those overseas and who are homesick and misses the culture and lifestyle of the Philippines.

OFW Pinoy Star also aims to inform the readers of what is going on in the Filipino community in Singapore--- social activities, sporting events, award presentations, skills training programmes. It has advice columns for the love-lorn, hotlines that provide emergency help for those in distress, and features not only the tragedies of overseas workers but also their successes and a lot more that interests each and every Filipinos all over Singapore.

OFW Pinoy Star also reaches countries including Malaysia, Indonesia, Hongkong, Japan, Brunei, Taiwan, Australia, Dubai, Oman, Saudi Arabia, Lebanon, Kuwait, Bahrain, Uganda, India, Italy, California, New York, Washington, Cayman Islands, Hawaii, New Zealand, Israel and of course, the Philippines.

Photo: by David Fabros (www.davidfabros.com)
website: http://www.ofwpinoystar.com.sg/0407/index.php

Sunday, May 06, 2007

Paolo Contis and Isabel Oli "fixing" their relationship

by Dinno Erece c/o pep.ph
Sunday, May 6, 2007

After the operation of Isabel Oli's father dito sa Pilipinas, lumipad ang pamilya nila patungong Singapore kung saan naka-base ang mga magulang at kapatid na babae ng aktres. Doon na raw magre-recuperate ang ama ni Isabel.

Si Paolo Contis naman, nagsimula nang mag-taping for Fantastic Man bilang si Madam Tisay, ang operadang kontrabida. Kasama rin siya sa bagong sitcom ng GMA-7 na Who's Your Daddy Now?.

Kinumpirma nina Paolo at Isabel sa PEP (Philippine Entertainment Portal), via separate text messages, na inaayos nilang muli ang kanilang relasyon.

Una silang nagkasama sa Sugo ni Richard Gutierrez; si Paolo bilang main kontrabida at si Isabel naman bilang partner ni Richard. By the time nagsama sila sa "Like Mother, Like Daughters" episode sa Love to Love noon, sila nang dalawa. Although, like their first show, hindi uli sila ang magka-partner dito dahil si Julia Clarete ang partner ni Paolo at si Alfred Vargas naman for Isabel.

Ang huli nilang pinagsamahan, kung saan sila umamin na sila na nga, ay sa Atlantika. Paolo joined Isabel's Christian Fellowship, at kung kailan pa man din pareho na ang religion nila ay saka naman lumabo ang kanilang relasyon. Kasabay na rin kasi nito ang sakit ng ama ni Isabel na nagpapagulo pa lalo sa isip ng dalaga.

Pero sabi nga sa amin ni Paolo, inaayos na nila ang relationship nila.

"Well, we're fixing it right now. Actually we're getting better," sabi ng young actor.

Hindi naman ikinaila ni Isabel ang sinabi ni Paolo sa amin at biniro pa kaming buti at happy din kami for them.

"Sana nga mas okay na ang lahat," sabi ni Isabel.

Susubukan daw ni Paolo na dumalaw kay Isabel sa Singapore dahil June pa ang balik ng dalaga. Pero hindi pa raw siya sigurado, depende sa schedule niya.

Before Isabel left for Singapore, she and Paolo were seen during the special screening of Spider-Man 3 last May 1 sa SM Mall of Asia.

-------------------------
from Abante-tonite.com 5/3/07 c/o Abu Tilamzik
Magkasama sina Paolo Contis at Isabel Oli sa panonood ng Spider-Man 3 sa Podium nu’ng Martes at mukhang okay na sila.

Sabi ni Paolo, okay sila ni Isabel kahit nagkaroon ng konting problema noon. Masasabing nasa stage pa rin sila ng pag-aayos pero ayaw na munang idetalye ni Paolo ang tungkol diyan.

Ang importante, okay raw sila at walang problema sa kanila ngayon ni Isabel.

Tahimik lang si Isabel sa mga tanong namin. Kung ano ang sagot ni Paolo, iyon na raw ‘yun.

Tuesday, May 01, 2007

Yes! Mag Party 2007



Source: Yes Mag 4/2007 & Abante